Sa virtual summit bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kahapon, Nobyembre 22, 2021, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Ito ang bagong milestone sa kooperasyon ng kapuwa panig.
Sa kasalukuyan, walang humpay na nakikialam sa mga suliraning panrehiyon ang ilang bansa sa labas ng rehiyon, at nagtatangkang likhain ang kontradiksyon at muhi. May responsibilidad ang Tsina at mga bansang ASEAN na magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at bantayan at tutulan ang tangkang heopolitikal ng puwersang panlabas.
Pinakapangkagipitan ngayon ang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at natutulungan ang Tsina at ASEAN sa prosesong ito.
Sa nasabing summit, idineklara ng Pangulong Tsino ang isang serye ng mga bagong hakbangin na kinabibilangan ng muling pagkakaloob ng 150 milyong dosis ng libreng donasyon ng bakuna sa mga bansang ASEAN, pagdaragdag ng 5 milyong dolyares na donasyon sa pundo kontra pandemiya ng ASEAN, at iba pa, bagay na magkakaloob ng mas mabisang suporta para sa pagpuksa ng mga bansa sa Timog-silangang Asya sa pandemiya.
Kung makatayo sa bagong starting point, aalisin ang mga hadlang at ipapatupad ang komprehensibo’t estratehikong partnership, tiyak na lilikhain ng Tsina at ASEAN ang mas malaking kaunlaran at kasaganaan.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Bagong milestone ang naitatag na komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN
PM ng Malaysia: inaasahang lalo pang patataasin ang lebel ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN
Gagawing summit ng Tsina at ASEAN, mahalaga para sa ibayo pang pag-unlad ng kanilang relasyon
Tsina at ASEAN, patuloy na palalalimin ang komprehensibong estratehikong partnership