Bilang makataong pagsasaalang-alaang, ang paghahatid ng pagkain at iba pang mga suplay ng panig Pilipino sa bapor sa Ren’ai Jiao ay pansamantala’t espesyal na arrangement. Ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng teritoryo ng Tsina. Hiniling ng Tsina sa panig Pilipino na tupdin ang pangako nito para alisin ang sumayad na bapor.
Ito ang winika ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Miyerkules, Nobyembre 24, 2021 bilang reaksyon sa may kinalamang pananalita ni Kalihim Delfin Lorenzana ng Kagawaran ng Tanggulang-Bansa.
Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
Ani Lorenzana, ang mga supply boat ng Pilipinas ay maalwang nakaabot sa Ren’ai Jiao, Martes, Nobyembre 23, 2021. Ang isang bapor ng Coast Guard ng Tsina ay nagpadala ng isang rubber boat na may sakay na tatlong tauhan na kumuha ng larawan at video ng pagdidiskarga ng hukbong pandagat ng Pilipinas. Inilarawan ni Lorenzana ang naturang aksyon ng panig Tsino bilang pananakot at panggugulo.
Inulit ni Zhao na ang Ren'ai Jiao ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina. Minonitor ang bapor ng Coast Guard ng Tsina sa paghahatid ng pagkain at kagamitan ng panig Pilipino mula simula hanggang matapos, nagpatrolya at tumupad din ito sa tungkulin sa karagatan, alinsunod sa batas.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Tsina at Pilipinas, tuloy ang komunikasyon tungkol sa isyu ng Ren’ai Reef
China-Asean relations @30: pursuing maritime cooperation in the South China Sea
Paninindigan ng Tsina sa SCS, di-nagbabago; pagsisikap para sa mainam na kalutasan, patuloy
Op-Ed: Pagsasanggunian at pagtutulungan, siyang tanging kalutasan sa isyu ng SCS