Pangulong Xi, bumati sa International Day of Solidarity with the Palestinian People

2021-12-01 04:54:44  CMG
Share with:

Idinaos kahapon ng UN ang isang pulong bilang paggunita ng  International Day of Solidarity with the Palestinian People, at nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
 

Sa mensahe, sinabi ni Xi na ang isyu ng Palestina ay nasa sentro ng isyu ng Gitnang Silangan at dapat igiit ang tamang prinsipyo at direksyon sa paglutas sa naturang usapin. At dapat makapagbigay ang komunidad ng daigdig ang mas maraming tulong para suportahan ang Palestine at Israel na muling mapanumbalik sa diyalogo batay sa plano ng dalawang bansa. Samantala, patuloy na tutulungan ng Tsina ang mga mamamayang Palestina sa paglaban sa COVID-19 at aktuwal na mapabuti ang pamumuhay at kabuhayan doon.
 

Bukod dito, sinabi ni Xi na bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council at isang responsableng bansa, magsisikap ang Tsina kasama ng komunidad ng daigdig para matupad ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Gitnang Silangan. 

Salin: Sissi

Pulido: Mac

Please select the login method