Sa Beijing Olympic Winter Games na gaganapin mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 20, 2022, ang skeleton ay isa sa tatlong laro ng pagpapadulas o sliding sport. Ang dalawang iba pa ay luge at bobsleigh.
Sa larong skeleton, nakadapa ang mga manlalaro sa sled habang nagpapadulas sa isang liku-likong karerahan.
Ang skeleton ng Beijing 2022 ay itatanghal sa Yanqing National Sliding Centre, Beijing. Ang karerahan ng skeleton ng naturang lugar ay may habang 1,615 metro at 16 na kurbada.
Ang sled ay pangunahin na yari sa asero at carbon fiber. Walang mekanismo ng pagmamaneho o preno ang sled. Pinatatakbo ng atleta ang sled sa pamamagitan ng galaw ng katawan.
Bago magsimula ang karera, yumuyuko ang manlalaro at naghahandang tumulak ng sled, kapag umilaw ang berdeng ilaw ng pag-andar, kailangan siyang dumaan ng unang timing point sa loob ng tatlumpung segundo. Sa simula, kailangan siyang tumakbo nang pinakamabilis hangga’t makakaya, at saka tumalon sa sled at magpadulas.
Maaaring umabot sa 135 kilometro kada oras ang bilis ng skeleton.
Ang hakawan sa sled ay ginagamit ng manlalaro bilang pampatulak sa simula at nakakatulong din ito para iakma ng manlalaro ang katawan nito sa sled habang nagpapadulas.
Nakasuot ang manlalaro ng helmet para maprotektahan ang ulo at naka-spike shoes din siya para ibaon ang paa sa yelo sa simulang yugto ng laro.
Ang manlalaro habang inaayos ang sariling sled
Salin: Jade
Pulido: Mac