Pagbalangkas ng tratado sa pandemiya, suportado ng Tsina

2021-12-01 11:45:27  CMG
Share with:

Nakahanda ang Tsina na panatilihin ang komunikasyon at koordinasyon sa iba’t ibang panig para balangkasin ang tratado hinggil sa pandemiya.

 

Winika ito ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Martes, Nobyembre 30, 2021.

 

Matatandaang nakatakdang bumoto ang World Health Assembly sa linggong ito para magpasiya kung babalangkasin ang umiiral na tratado o kombensyon para tulungan ang World Health Organization (WHO) sa mas maayos na pagtugon sa pandemiya.

 

Saad ni Zhao, laging suportado ng Tsina ang paghahanda at pagtugon sa pandemiya at bukas din sa lahat ng pagsisikap at hakbang para mapalakas ang pandaigdig na pagkakaisa at mapasulong ang koordinasyon bilang tugon sa mga pandemiya sa hinaharap.

 

Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ang mga may kinalamang proseso sa ilalim ng balangkas ng United Nations (UN) at WHO para matiyak ang panlahat na pakikilahok, at maiwasan ang pagsasapulitika, kasiraang-puri at tiyaking hindi gagamitin ang proseso bilang kasangkapan.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method