Pangulong Xi Jinping, kinumusta si Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya

2021-12-02 16:38:15  CMG
Share with:

Nagpadala ng mensahe kahapon si Pangulong Xi JInping ng Tsina kay Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya bilang pakikidalamhati sa pagyao ni Prince Norodom Ranariddh.
 

Ipinahayag ni Xi na si Prince Norodom Ranariddh ay isang napakaimportanteng miyembro ng pamilyang maharlika ng Kambodya at giliw na kaibigan ng mga mamamayang Tsino na nakapag-bigay ng malaking ambag sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Kambodyano.
 

Mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at nakahandang walang humpay na palalimin ang pagpapalitan at pagpapalagayan ng magkabilang panig at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng Tsina at Kambodya ng may pinagbabahaginang kinabukasan, dagdag pa ni Xi.

Salin: Sissi

Pulido: Mac

Please select the login method