2021 Zijinshan Summit para sa mga Mangangalakal ng Magkabilang Pampang ng Taiwan Strait, ginanap

2021-12-07 17:34:28  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, magkasabay na ginanap sa Nanjing, Lalawigang Jiangsu ng Tsina, at Taipei ang 2021 Zijinshan Summit para sa mga Mangangalakal ng Magkabilang Pampang ng Taiwan Strait.
 

Nagpadala ng liham na pambati sa summit si Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
 

Saad ni Wang, nakikinabang sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait ang mga bahay-kalakal.
 

Umaasa aniya siyang ibibigay ng mga negosyante ng magkabilang pampang ang sariling ambag, para sa pagpapasulong sa lubusang reunipikasyon ng inang bayan, at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method