Ipinatalastas kahapon, Disyembre 6, 2021, ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa, na ang reserve requirement ratio ng Tsina ay ibababa sa 0.5% mula Disyembre 15, bilang pampasigla sa real economy.
Ito ang ikalawang beses na ibinaba ng Tsina ang reserve requirement ratio sa loob ng taong ito.
Sa pamamagitan nito, ilalabas sa pamilihan ang 1.2 trilyong yuan, at babawasan ng 15 bilyong yuan taun-taon ang capital cost ng mga institusyong pinansyal.
Ito ang hakbangin ng Tsina para patatagin ang pag-unlad ng kabuhayan, sa harap ng umiiral na presyur sa ekonomiya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos