Tsina sa Amerika: itigil ang mga pananalita at aksyong humahadlang at nakakasira sa Beijing Winter Olympics

2021-12-08 15:26:14  CMG
Share with:

Kaugnay ng hindi pagpapadala ng panig Amerikano ng anumang kinatawang diplomatiko o opisyal sa 2022 Beijing Olympic Winter Games, sa katuwiran ng umano’y pagsasagawa ng Xinjiang ng mga aksyong lumalapastangan sa karapatang-pantao na gaya ng genocide, inihayag kahapon, Disyembre 7, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol ng panig Tsino.
 

Aniya, iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa panig Amerikano, at gagawin ng bansa ang ganting hakbangin.
 

Saad ni Zhao, ang kilos ng panig Amerikano ay malubhang tumataliwas sa simulain ng Karta Olimpik. Dapat aniyang agarang itigil ang pagsasapulitika ng palakasan, at ihinto ang mga pananalita at aksyong humahadlang at nakakasira sa Beijing Winter Olympics.
 

Kung hindi, makakapinsala ito sa diyalogo at kooperasyon ng dalawang bansa sa isang serye ng mga mahalagang larangan at mga isyung panrehiyon at pandaigdig, dagdag ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method