Tsina, nagharap ng representasyon kaugnay ng "diplomatikong boykot" ng Amerika sa Beijing Winter Olympics

2021-12-07 17:42:05  CMG
Share with:

Sinabi ngayong araw, Disyembre 7, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iniharap ng kanyang bansa ang solemnang representasyon sa Amerika, kaugnay ng "diplomatikong boykot" nito sa Beijing 2022 Winter Olympics.

 

Nauna rito, ipinahayag ng administrasyon ni Joe Biden, na hindi dadalo sa Beijing Winter Olympics ang mga opisyal ng pamahalaang Amerikano.

 

Sinabi rin ni Zhao, na isasagawa ng panig Tsino ang mga malakas na hakbangin, kung igigiit ng Amerika ang pamumulitika sa naturang palaro.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method