Binuksan Huwebes, Disyembre 9, 2021 ang di-umano’y “Democracy Summit” na nasa pagtataguyod ng panig Amerikano. Bilang pagkatig sa mga puwersang nagsusulong ng di-umano’y pagsasarili ng Taiwan, inanyayahan nito ang awtoridad ng Taiwan na dumalo sa naturang pulong.
Lantarang ipinakikita nito ang pagtalikod ng panig Amerikano sa pangako nito hinggil sa isyu ng Taiwan.
Ang prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina’t Estados Unidos ay pundasyong pulitikal ng ugnayang Sino-Amerikano. Bawat pamahalaang Amerikano ay nananangan dito. Ngunit, salungat dito ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano. Sa isang banda, ipinahayag nito ang pagpapatupad sa prinsipyong isang-Tsina at hindi suportado ang di-umano’y pagsasarili ng Taiwan. Sa kabilang banda naman, tikis na tinatawag nito ang Taiwan bilang “bansa” at kinakatigan ang mga puwersang nagtatangkang isakatuparan ang di-umano’y pagsasarili ng Taiwan. Kamuhi-muhi ang pagkalilo ng pamahalaang Amerikano.
Napapatunayan ng mga katotohanan na ang pagsasabwatan ng pamahalaang Amerikano at awtoridad ng Taiwan ang nagpalala sa situwasyon sa Taiwan Strait. Nitong walong buwang nakalipas, mula sa paulit-ulit na pagpapadala ng bapor militar para dumaan sa Taiwan Strait hanggang sa maraming beses na paglapag sa Taiwan ng mga eroplanong militar ng hukbong Amerikano, mula sa pagbibigay-tulong sa Taiwan para mapalawak ang “pandaigdig na espasyo” nito hanggang sa pag-imbita sa awtoridad ng Taiwan sa paglahok sa di-umano’y “Democracy Summit,” ang lahat ng mga ito, sa halip na nagpapanatili ng katatagan ng Taiwan Strait, ay naggagatong sa isyu ng Taiwan.
Walang patutunguhan ang probokasyon, pulitikal man o militar, ng panig Amerikano hinggil sa isyu ng Taiwan. Ang imbitasyon ng panig Amerikano sa Taiwan para lumahok sa di-umano’y “Democracy Summit” ay hindi magbabago sa katotohanang higit na nakararaming bansa sa daigdig ang nananangan sa prinsipyong isang-Tsina. Hinding hindi matitinag ang resolusyon ng mga mamamayang Tsino para ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa at hindi mahahadlangan ang tunguhing pangkasaysayan ng reunipikasyon ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac
2021 Zijinshan Summit para sa mga Mangangalakal ng Magkabilang Pampang ng Taiwan Strait, ginanap
Tsina, tutol paglahok ng Taiwan sa di-umano’y Summit para sa Demokrasya
Bagong Kabuhayan at Bagong Kaunlaran, tema ng gaganaping Shanghai-Taipei Forum 2021
“Democracy Summit”ng Amerika, ano ang epekto nito sa Pilipinas at Asya?