Tsina, itinakda ang mga hakbangin para sa katatagan ng kabuhayan sa 2022

2021-12-11 15:53:15  CMG
Share with:

Tsina, itinakda ang mga hakbangin para sa katatagan ng kabuhayan sa 2022_fororder_d8d4da1e0a224cdf82294b2d89be9c96

 

Mula nitong Miyerkules hanggang Biyernes, Disyembre 8 hanggang Disyembre 10, 2021, ipinatawag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang taunang Central Economic Work Conference, para balik-tanawin ang kalagayan ng kabuhayan sa taong ito, at itakda ang mga gawaing pangkabuhayan sa susunod na taon.

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng pulong, sa 2021 na unang taon ng pagsasagawa ng ika-14 na panlimahang taong planong pangkaunlaran, nananatiling nangunguna ang Tsina sa daigdig sa kapwa aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagharap sa pandemiya ng COVID-19, at mainam ang takbo ng kabuhayang Tsino, sa kabila ng tatlong malaking presyur, na gaya ng lumiliit na pangangailangan, walang katiyakang suplay, at pagliit ng kompiyansa sa hinaharap.

 

Ayon pa rin sa pahayag, ang pagpapanatili ng katatagan ng kabuhayan ay pinakamalaking priyoridad sa 2022. Dapat maging matatag at epektibo ang mga patakaran sa makro-ekonomiya, at patuloy na isasagawa ang proaktibong fiscal policy at maingat na monetary policy, para isakatuparan ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan.

 

Nakalakip din sa pahayag ang tungkol sa patuloy na pagpapasulong ng "dual circulation," para palakasin ang interkoneksyon ng mga pamilihan sa loob at labas ng bansa, at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng yaman sa lipunan at pag-iwas sa polarisasyon.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method