Tsina, tutol sa iresponsableng pananalita ng Amerika at EU tungkol sa Hong Kong

2021-12-11 15:59:21  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Disyembre 10, 2021, ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ang pagtutol at pagtanggi sa iresponsableng pananalita ng mga opisyal ng Amerika at European Union, tungkol sa paglilitis ng hukuman ng Hong Kong sa mga tauhang kontra Tsina at nanggulo sa Hong Kong, at pagpapatupad ng Batas sa Pambansang Seguridad sa espesyal na rehiyong ito.

 

Ayon pa rin sa nabanggit na tanggapan, hinihimok ng Tsina ang mga opisyal ng Amerika at European Union, na huwag pagtakpan ang mga ilegal at marahas na panggugulo sa Hong Kong, huwag isagawa ang paninirang-puri sa Batas sa Pambansang Seguridad sa Hong Kong at pamamahala alinsunod sa batas ng pamahalaan ng HKSAR, at huwag makialam sa mga suliranin ng Hong Kong at suliraning panloob ng Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method