Ipinahayag kamakailan ni Nathan Law, na sa paanyaya ng panig Amerikano, bibigkas siya ng talumpati sa gaganaping umano’y “Summit para sa Demokrasya.”
Matatandaang isa si Law sa mga nakatakas na lider ng panggugulo sa Hong Kong noong ilang taong nakalipas.
Ang pag-anyaya ng panig Amerikano sa isang suspek na kriminal bilang panauhin ay isang kasindak-sindak na gawain.
Ito ay hindi lamang lubusang nagbubunyag sa masamang tangka ng Amerika na makipagsabwatan sa mga nanggugulo sa Hong Kong at nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa ngalan ng demokrasya; kundi ito rin ay nagpapakita ng pagkukunwari at “double standard” ng demokrasyang pilit ikinakalat ng Amerika.
Hinggil dito, tinukoy ng ilang tagapag-analisa na sa pamamagitan ng pagtataguyod ng “Summit para sa Demokrasya,” tangka ng Amerikang pag-ibayuhin ang komprontasyong ideolohikal, at buuin ang bagong sistema at bagong alyansa na pamumunuan nito, para labanan ang Tsina.
Sa katotohanan, kahit sa katuwiran ng demokrasya, hindi tunay na pinahalagahan ng Amerika ang demokrasya at karapatang-pantao ng mga taga-Hong Kong, ang laging nasa isip nito ay kung paano pangalagaan ang sariling hegemonistikong kapakanan.
Tiyak na mabibigo ang ganitong pagsasagawa ng hegemonismo, sa katuwiran ng demokrasya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio