Aklat ng mga paglalahad ni Xi Jinping tungkol sa karapatang pantao, inilathala

2021-12-11 15:54:57  CMG
Share with:

Inilathala kamakailan ang aklat ng mga siniping paglalahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao.

 

Nakalakip sa aklat ang 335 sipi mula sa mahigit 160 ulat, talumpati, mensahe, at instruksyon na ginawa ni Xi mula Nobyembre 15, 2012 hanggang Oktubre 30, 2021. Ang karamihan sa mga ito ay inilimbag sa kauna-unahang pagkakataon.

 

Sinabi ni Zhang Wei, co-director ng Institute for Human Rights sa China University of Political Science and Law, na sa pamamagitan ng malalim na kaisipan ni Xi tungkol sa paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao, ipinakikita ng naturang aklat ang matatag na determinasyon ng Partido Komunista ng Tsina at pamahalaan ng bansa, para pasulungin ang usapin ng karapatang pantao.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method