Olympic Summit, tutol sa anumang pagsasapulitika ng Olimpiyada at palakasan

2021-12-12 13:07:33  CMG
Share with:

Ipininid nitong Sabado, Disyembre 11 ,2021 ang Ika-10 Olympic Summit.

Sa deklarasyong ipinalabas nang araw ring iyon sa opisyal na website ng International Olympic Committee (IOC), ipinahayag ang buong tinding pagtutol sa anumang pagsasapulitika ng Olimpiyada at palakasan.

Ipinagdiinan ng deklarasyon na dapat maging niyutral ang IOC at buong Olympic Games.

Saad pa nito, ang gaganaping 2022 Beijing Winter Olympics ay magiging simula ng bagong siglo ng Winter Olympics ng buong mundo.

Matatandaang sa Ika-76 na Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), buong pagkakaisang pinagtibay ang Olympic Truce Resolution ang magkasanib na panukala ng Tsina at IOC.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method