Tumataas na bilang ng anti-Asian hate crimes sa Amerika, konektado sa puwersang anti-Tsina

2021-11-24 11:21:22  CMG
Share with:

Sa isang panayam kamakailan kay Mae M. Ngai, Propesor ng Kasaysayan ng Columbia University ng Amerika, binanggit niya ang lumalalang kalagayan ng diskriminasyon sa mga taong may Asian descent na kinabibilangan ng Chinese community sa Amerika. Inanalisa niya ang sanhi nito.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Nobyembre 23, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sobrang laki ng bilang ng mga kaso ng anti-Asian hate crimes sa Amerika. 

Ani Zhao, ang diskriminasyon sa mga Chinese descent sa Amerika ay may mahigpit na kaugnayan ng buong tikis na pagpapalaganap ng puwersang kontra-Tsina ng mga mapagkunwaring impormasyon, pagdungis at pag-atake laban sa Tsina.

Diin pa niya, dapat mataimtim na pakinggan ng pamahalaang Amerikano ang makatuwirang panawagan sa loob at labas ng bansa at isagawa ang responsableng hakbangin para resolbahin ang sariling problema ng diskriminasyon sa lahi at mapangangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga lahing Asyano sa bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method