Pagpapakilala ng tunay na Tsina sa daigdig, ipinanawagan ni Xi

2021-12-15 12:08:22  CMG
Share with:

Pagpapakilala ng tunay na Tsina sa daigdig, ipinanawagan ni Xi_fororder_1310372583_16394982655431n

 

Ang mas mabuting paglalahad ng mga kuwento hinggil sa Tsina sa daigdig ang ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga alagad ng sining at manunulat ng bansa.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang paglahok sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-11 Pambansang Pulong ng China Federation of Literary and Art Circles at Ika-10 Pambansang Pulong ng China Writers Association nitong Martes, Disyembre 14, 2021.

 

Hinimok din ng pangulong Tsino ang mga alagad ng sining at manunulat na isaisip ang muling pag-ahon ng nasyong Tsino at mga mamamayan at gumawa ng inobasyon batay sa mga tradisyon. Hiniling din niya sa kanila na magsikap para sa mas mainam na pagkukwento hinggil sa mapagkakatiwalaan, kaibig-ibig at kagalang-galang na imahe ng Tsina.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method