Mula noong sinaunang panahon, may espesyal na ugnayan ang Nasyong Tsino sa niyebe at yelo.
Sa napakahabang prosesong pangkasaysayan, ang mga mamamayang Tsino ay hindi lamang natutong makipaglaban sa napakalamig na niyebe at yelo, natuto rin silang gumamit, panoorin, at paglaruan ang niyebe at yelo.
Bukod pa riyan, unti-unting naitanim sa diwa at pagpapahalaga ng mga mamamayang Tsino ang niyebe at yelo.
Sa kasalukuyan, ang ice-snow sports ay nauuso sa mga mamamayang Tsino. Pagdating ng Taglamig, ang panonood sa tanawin ng niyebe at yelo, pagdanas ng mga laro ng niyebe at yelo, pag-e-enjoy ng ice-snow hot spring, at ang subukang maranasan ang tradisyong pambagong taon ng niyebe at yelo, ay kinahihiligan na ng mas maraming mamamayang Tsino.
Mga bata sa ski resorts sa Jilin
Sa papalapit na 2022 Beijing Winter Olympics, walang katulad na taas ang pagiging masigasig ng mga mamamayang Tsino sa niyebe at yelo, at parami nang paraming mamamayang Tsino ang nakikilahok sa mga Winter sports.
Mga bata sa ski resorts sa Jilin
Sa artikulong inilabas kamakailan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, sinabi niya na kasama ng kanilang ski-loving na magulang, parami nang paraming bata ang nagpupunta sa ski resorts sa Jilin upang matutong mag-ski.
Mga bata sa ski resorts sa Jilin
Ngayon, tingnan natin ang mga litrato para magkasamang balika-tanawin ang mga alaala ng mga mamamayang Tsino sa niyebe at yelo.
Noong taong 1982, maligayang nag-iskeyting ang mga bata sa Beihai Park sa Beijing.
Noong taong 1985, gumawa ang mga tao ng snowman sa Tian’anmen Square sa Beijing.
Noong taong 1995, sa Shichahai Lake, Beijing.
Noong Pebrero 3, 1998, nag-sled ang isang ama at kanyang anak na babae sa Beijing.
Noong taong 1991, nag-iskeyting at lumangoy ang mga tao sa Taglamig sa Beihai park, Beijing.
Noong taong 1986, nag-iskeyting ang mga residente sa probinsyang Shaanxi, Tsina.
Noong taong 2002, naglalaro ang mga mamamayan sa ibabaw ng yelo sa lunsod Ha’erbin, probinsyang Heilongjiang ng Tsina.
Ulat: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: VCG / Xinhua News
"Diplomatikong boykot" sa Beijing Winter Olympics, pulitikal na panggugulo ng Amerika
Pagsuporta sa Beijing Winter Olympic, ipinanawagan ng Olympic Summit
Beijing 2022 Winter Olympics: Luge, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga
Beijing Winter Olympic Truce Resolution, pinagtibay ng ika-76 na UNGA