Plano ng Tokyo Electric Power Company, matinding tinututulan ng panig Tsino

2021-12-23 15:06:26  CMG
Share with:

Iniharap nitong Martes, Disyembre 21, 2021 ng Tokyo Electric Power Company sa Nuclear Regulation Authority ng Hapon ang “planong pagtatapon ng kontaminadong tubig-nuklear mula sa Fukushima nuclear power plant sa dagat.”

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 22 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang lubos na pagkabahala ng panig Tsino.

Ani Zhao, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang unilateral na kapasiyahan ng panig Hapones na itapon ang kontaminadong tubig-nuklear sa dagat.

Diin niya, ang paraan kung paano hahawakan ang kontaminadong tubig-nuklear mulan sa Fukushima nuclear power plant ay may mahigpit na kaugnayan sa kapaligirang ekolohikal ng dagat at kalusugang pampubliko ng buong daigdig.

Dapat aniyang mataimtim na pakinggan at tugunan ng panig Hapones ang pagkahabala ng mga kapitbansa nito at komunidad ng daigdig, at kanselahin ang mali nitong kapasiyahang itapon ang naturang kontaminadong tubig sa dagat.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method