Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo

2021-12-28 11:02:13  CMG
Share with:

Dahil sa nalalapit na Beijing Winter Olympics, kinahihiligan ngayon at sumasali ang mas maraming batang Tsino sa mga ice-snow sports.

Pinakagustong libangan ng mga bata ang paggawa ng snowman at pagkakaroon ng snowball fight. Dahil sa Beijing Winter Olympics, umusbong sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang kasiglahan ng mga mamamayan sa mga ice-snow sports.

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata1600

Noong taong 2015, sa probinsyang Jilin ng Tsina, maligayang naglalaro ang mga bata ng niyebe.

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata2600

Sa probinsyang Heilongjiang ng Tsina, gumagawa ang bata ng snowman.

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata3600

Noong Enero 21, 2021, lumahok ang mga bata sa isang aktibidad ng ice at snow festival na ginanap sa isang ski resort sa Shenyang.

Nagiging mas propesyonal na ice-snow sports

Ang mga magagandang porma ng mga atleta ay nakakaakit ng pakikilahok ng mas maraming batang Tsino sa mga ice-snow sports.

Unti-unting nagiging realidad ang hangarin ng Tsina na “hikayatin ang 300 milyong mamamayan sa paglahok sa ice-snow sports.”

Bukod pa riyan, unti-unting nagiging popular ang palakasang ito sa mga eskuwelahan na lubos na kinagigiliwan ng mga estudyante pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Sa ngayon, mayroong mga ski resorts, skating rinks, at ice and snow parks sa maraming lugar ng Tsina. Bukod sa libangan, parami nang parami ang mga propesyonal na klase tungkol sa ice-snow sports.

Magkapareho ang figure skating at piano na kailangang pag-aralan mula bata pa. Nagsimulang matuto ang maraming batang Tsino sa edad na 5 hanggang 6 na mag-figure-skating.

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata4600

Noong Enero 14, 2016, nagsasanay ang mga bata ng figure skating sa Beijing Capital Skating Rink.

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata5600

Noong Enero 14, 2016, nagsasanay ang mga bata ng ice hockey sa Beijing Capital Skating Rink.

Alalahaning muli ang mga sinaunang palaro ng niyebe at yelo nitong mga taong nakalipas

Noong unang panahon, wala pang ski resort o skating rink, naging  laruan ng mga bata ang niyebe at yelo. Kanilang likas na amusement park ang isang lugar na balot ng niyebe at yelo.

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata6600

Nagpapadulas ang bata sa niyebe sa probinsyang Heilongjiang sa taong 2021

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata7600

Sa Beijing, noong taon 2018

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata8600

Naglalaro ang mga bata ng yelo sa Shenyang noong taong 2020

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata9600

Naglalaro ang bata ng ice top sa Shenyang noong taong 2019

Pagkahilig ng mga kabataang Tsino sa paglalaro sa niyebe at yelo_fororder_20211220bata10600

Naglalaro ang isang batang babae sa Changchun, probinsyang Jilin, noong taong 2020


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method