Shougang Ski Jumping Platform — Kristal na sapatos sa niyebe at yelo

2021-12-02 14:34:43  CMG
Share with:

Ang Shougang Ski Jumping Platform ay matatagpuan sa isang lumang industriyal park sa Shougang, Beijing. Ito ang unang venue sa kasaysayan ng Winter Olympics na itinayo sa loob ng isang industrial heritage site o pamanang industriyal na lugar. Ito rin ay isa sa mga bagong naitayong venue sa Beijing.

Sa gaganaping Beijing Winter Olympic Games, gagamitin ito sa Snowboarding at Freestyle Ski Jumping events.

Shougang Ski Jumping Platform — Kristal na sapatos sa niyebe at yelo_fororder_20211202Shougang5600

Shougang Ski Jumping Platform — Kristal na sapatos sa niyebe at yelo_fororder_20211202Shougang2600

Noong dati’y Capital Iron and Steel Company, ngayo’y pagdarausan ng Ski Jumping ng Winter Olympics

Pormal na nakumpleto noong Enero 2020 ang konstruksyon ng Shougang Ski Jumping Platform na binubuo ang tatlong bahaging kinabibilangan ng track, referee’s tower at grandstand area.

Kung titingnan mula sa malayong lugar, parang dancing shoes sa fairytale ang Shougang Ski Jumping Platform, kaya tinatawag din itong “crystal shoes.”

Shougang Ski Jumping Platform — Kristal na sapatos sa niyebe at yelo_fororder_20211202Shougang4600

Shougang Ski Jumping Platform — Kristal na sapatos sa niyebe at yelo_fororder_20211202Shougang600

Parang makinang na crystal shoes ang ski jump ng Shougang

Pagkatapos ng Beijing Winter Olympics, ang platform ay magiging kauna-unahang permanenteng venue na patuloy na gagamitin para sa hosting ng sporting events na lokal at internasyonal. 

Bukod pa riyan, bubuksan ang Shougang Ski Grand Jump sa publiko na magiging sports-themed park para lubos na mapatingkad ang komprehensibong halaga nito.

Shougang Ski Jumping Platform — Kristal na sapatos sa niyebe at yelo_fororder_20211202Shougang3600

Mga turistang dumalaw at kinukunan ng litrato ang “Crystal shoes”


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method