Padating na ang taong 2022, at buong pananabik na inaasahan ng buong mundo ang isang mas magandang kinabukasan. Pero ipinagpipilitan ng pamahalaang Hapones ang pagtahak sa maling landas, at ipinatalastas kamakailan ang plano sa pagtatapon ng nuclear sewage ng Fukushima power plant. Ito ay hindi lamang ikinabahala at ikinagalit ng mga mamamayang Hapones at mga kapitbansa, kundi nagsasapanganib din sa komong kinabukasan ng sangkatauhan.
Nitong nakalipas na 8 buwan, sa kabila ng pagkabahala ng komunidad ng daigdig, lumikha ang panig Hapones ng mga kasinungalingan, at walang humpay na pinapasulong ang plano ng pagtapon ng radioactive wastewater sa dagat. Tinatangka nitong sapilitang ipataw sa komunidad ng daigdig ang sariling maling desisyon, at hayaan ang iba’t ibang bansa sa baybayin ng Pacific Ocean na harapin ang mga panganib.
Napaka-iresponsable, napakasakim at nagpapababa sa reputasyon ng bansa ang ganitong kilos!
Sa katunayan, ang agrikultura, industriya ng pangingisda at kalusugan ng mga mamamayan sa Hilagang Silangan ng Hapon ang direktang maaapektuhan ng nasabing maling desisyon. Samantala, magbubunsod din ito ng di pa alam at nakatagong epekto sa ekolohiyang pandagat ng buong mundo at kalusugan ng sangkatauhan.
Alang-alang sa pangangailangan ng sariling estratehiya, kinakatigan ng Amerika ang ganitong plano ng Hapon, at nagsilbi itong isa sa mga mahalagang dahilang panlabas ng puwersahang pagpapasulong ng Hapon ng pagtapon ng nuclear sewage sa dagat.
Ang pakikipagsabwatan ng Hapon sa Amerika ay makakapinsala, sa katapusan, sa kapaligirang ekolohikal at kalusugan ng sangkatauhan.
Hindi dapat gawin ng Hapon ang di-mapatatawad na kamalian, at magsilbing akusado ng kasaysayan.
Salin: Vera
Pulido: Mac