Pilot project ng kooperasyon sa pagbabawas ng karalitaan na binigyang-tulong ng Tsina, inilipat sa Myanmar

2021-12-31 15:50:23  CMG
Share with:

Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar—Ginanap kahapon, Disyembre 30, 2021 ang handover ceremony ng pilot project ng kooperasyon sa pagbabawas ng karalitaan na binigyang-tulong ng Tsina sa Myanmar.

Pilot project ng kooperasyon sa pagbabawas ng karalitaan na binigyang-tulong ng Tsina, inilipat sa Myanmar_fororder_20211231Myanmar

Sa kanyang talumpati sa seremonya, inihayag ni Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na sapul nang simulan ang proyektong ito noong Pebrero ng 2018, ipinagawa ang mga lansangan, proyekto ng tubig-inumin, sentro ng pag-unlad ng mga pamayanan, mga gusali ng paaralan at iba pang proyekto sa dalawang pilot village ng Myanmar, isinagawa ang mga pagsasanay sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop, at ibinahagi ang mga karanasan sa pagsasaayos sa kapaligiran ng komunidad.
 

Patuloy na ibabahagi aniya ng panig Tsino sa Myanmar ang sariling karanasan sa pagpawi sa karalitaan at pagpapasigla ng kanayunan, at ipagkakaloob ang tulong sa pag-ahon ng mga mamamayan ng Myanmar sa kahirapan at pag-unlad ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac


Photo credit: Embahada ng Tsina sa Myanmar

Please select the login method