Rusya, inanunsyo ang maagang terminasyon ng membership sa UNHRC

2022-04-08 15:54:37  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng official website ng Ministring Panlabas ng Rusya nitong Huwebes, Abril 7, 2022, ipinalalagay ng panig Ruso na ang resolusyon hinggil sa pagsuspendi ng membership ng Rusya sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na pinagtibay nang araw ring iyon sa Pangkalahatang Asambleya ng UN ay isang ilegal at may motibong pulitikal na hakbang.


Anang pahayag, ipinasiya ng bansa ang maagang terminasyon ng membership nito sa UNHRC simula Abril 7.


Salin: Vera


Pulido: Mac