Ministrong Panlabas ng Rusya: nagbago na ang paninindigan ng Ukraine sa talastasan; opisyal ng Ukraine: mainit ang labanan sa Luhansk

2022-04-08 16:05:08  CMG
Share with:

Sinabi Huwebes, Abril 7, 2022 ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya na tumaliwas na ang panig Ukrainian sa mahalagang paninindigan nito sa talastasan sa Istanbul, Turkey noong Marso 29, pero patuloy pa ring pasusulungin ng panig Ruso ang proseso ng talastasan.


Inihayag naman nang araw ring iyon ni Oleksiy Arestovich, Tagapayo ng Tanggapang Pampanguluhan ng Ukraine, na sa kasalukuyan, sumusulong ang pinakamaigting na labanan ng panig Ukrainian at Ruso sa rehiyon ng Luhansk.


Bukod dito, bilang tugon sa bagong round ng sangsyon ng mga bansang kanluranin, sinabi kahapon ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Kremlin, na ang mga bagong sangsyon laban sa Rusya ay bahagi ng “broader Western frenzy.”


Aniya, walang pag-aalinlangang gagawin ng panig Ruso ang tugon dito, sa pamamagitan ng angkop na paraan sa tingin ng panig Ruso.


Salin: Vera


Pulido: Mac