Balik-tanawin ang mga unang beses sa kasaysayan ng kalawakan ngayong World Space Day

2022-04-12 16:41:14  CRI
Share with:

Ngayong araw, Abril 12, 2022 ay International Day of Human Space Flight o World Space Day.

Pinagtibay noong Abril 7, 2011 ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) ang resolusyon kung saan itinakda ang Abril 12 kada taon bilang World Space Day.

 

Layon nitong ipagdiwang ang simula ng siglo ng kalawakan ng sangkatauhan, ulitin ang hangarin ng pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad sa pamamagitan ng siyensiya at teknolohiyang pangkalawakan, at dagdagan ang kapakanan ng mga bansa at kanilang mga mamamayan.

Bukod pa riyan, ang pagtatakda ng Abril 12 ay upang gunitain ang dakilang ambag ng astronaut ng dating Soviet Union na si Yuri Alekseyevich Gagarin bilang kauna-unahang tao na naglakbay sa kalawakan noong Abril 12, 1961.

 

Idinaos noong Abril 12, 2021 ng UN ang online celebration bilang paggunita sa ika-60 anibersaryo ng unang human space flight.

 

Sa araw na ito, balik-tanawin natin ang mga space heroes na nakalikha ng mga unang beses sa kasaysayan ng kalawakan.

 

Kauna-unahang pagpasok ng sangkatauhan sa kalawakan

Noong Marso 18, 1965, si Alexei Arkhipovich Leonov, astronaut ng dating Soviet Union, ang naging unang tao na nakalabas ng space ship upang maglakbay sa kalawakan.

 

Kauna-unahang paglapag ng sangkatauhan sa buwan

Noong Hulyo 20, 1969, lulan ang American astronaut na si Neil Armstrong, lumapag sa buwan ang Apollo 11 spacecraft.

 

Noong Hulyo 21, 1969, bumaba siya sa balat ng buwan na kauna-unahang pagsakatuparan ng pangarap ng paglapag ng sangkatauhan sa buwan.

 

Unang babaeng astronaut na nakapasok sa kalawakan

Sakay ng Vostok 6, nakapasok sa kalawakan noong Hunyo 16, 1963 si Valentina Vladimirovna Tereshkova, astronaut ng dating Soviet Union.

 

Lumipad siya ng 71 oras sa kalawakan, at 2 milyong kilometro ang kabuuang haba ng kaniyang nilipad.

 

Unang space station: Salyut 1

Ang Salyut 1 space station ay unang space station ng dating Soviet Union, at unang space station din sa kasaysayan ng sangkatauhan.

 

Lumpiad ito sa kalawakan noong Abril 19, 1971.

 

Unang astronaut na nagsakripisyo ng buhay: Vladimir Mikhaylovich Komarov

Habang bumabalik sa lupa sakay ng Voskhod 1 spaceship noong Abril 24, 1967, dahil sa hindi pagbukas ng parachute, si Vladimir Mikhaylovich Komarov ay naging unang astronaut na nasawi at nagsakripisyo ng kanyang buhay.

 

Unang Tsinong nakapasok sa kalawakan: Yang Liwei

Mula noong Oktubre 15 hanggang 16, 2003, isinagawa ng Tsina ang unang manned spaceflight.

 

Sakay ng manned spacecraft Shenzhou V, nagsagawa siya ng 14 na beses na pag-ikot sa mundo mula kalawakan.

 

Makaraang maalwang tapusin ang iba’t-ibang misyon, ligtas siyang nakabalik sa lupa.

 

Unang Tsinong nakalakad sa kalawakan: Zhai Zhigang

Sa misyon ng paglipad ng Shenzhou VII mula noong Setyembre 25 hanggang 27, 2008, kasiya-siyang natapos ni Zhai Zhigang ang misyong lumabas ng space cabin na naging unang Tsinong naglakad sa kalawakan.


Kauna-unahang tao na nagsagawa ng untethered spacewalk: Bruce McCandless II

Sakay ng American Space Shuttle Challenger noong Pebrero 7, 1984, nakalabas si Bruce McCandless II, American astronaut, sa space cabin at matagumpay na nagsagawa ng untethered spacewalk.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Photo Courtesy: Mac