Natapos nitong Martes, Marso 29, 2022 sa Turkey ang ika-5 round ng talastasan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Ayon sa kaukulang ulat, narating ang mahahalagang breakthrough, na kinabibilangan ng pananatiling neutral na bansa ng Ukraine, di-pagsali ng Ukraine sa North Atlantic Treaty Organization (NATO), di-pagtutol ng Rusya sa pagsapi ng Ukraine sa Unyong Europeo (EU), at pag-urong ng tropang Ruso mula sa Ukraine.
Samantala, may pag-asa ring magtagpo ang mga lider ng dalawang bansa sa hinaharap.
Pagkaraan ng limang round ng talastasan, di-madaling natamo ng kapuwa panig ang mga positibong bunga.
Ito ay hindi lamang nagpapamalas sa mithiin ng magkabilang panig na bigyang-wakas ang sagupaan, kundi may matibay ring kaugnayan sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig na pasulungin ang talastasang pangkapayapaan.
Sa kabilang banda, bilang puno’t dulo ng sagupaan, malamig ang reaksyon ng Amerika tungkol dito, at sa katunayan, parang hindi nito tanggap ang nasabing resulta.
Kahit narating ng Rusya at Ukraine ang kasunduang pangkapayapaan, tuloy pa ring nililikha ng Amerika ang kaguluhan sa Rusya.
Sa kabila ng progreso ng talastasang pangkapayapaan, walang-tigil na inihahatid ng Amerika ang mga sandata sa Ukraine, at pinag-ibayo ang sangsyon laban sa Rusya.
Bilang pinakamalaking benepisyaryo sa naturang sagupaan, hangad ng Amerika na magpatuloy ang sagupaan, para ipitin ang Rusya, habang pinapalakas ang impluwensya sa Europa.
Ang pagsira at paghadlang ng Amerika sa talastasang pangkapayapaan ng Rusya at Ukraine ay muling nagpapatunay na ito ang pinakamalaking banta sa kapayapaan at seguridad ng daigdig.
Panahon na para itigil ng Amerika ang pag-udyuk ng digmaan!
Salin: Vera
Pulido: Rhio