Op-Ed: Amerika, pangunahing puwersa sa pag-udyok ng sagupaan ng mga rehiyon

2022-04-01 17:06:39  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Department of Energy (DoE) ng Pilipinas, nananatiling mataas pa rin ang presyo ng petrolyo at langis sa bansa. Dahil dito, kinakaharap ng mga tsuper ng jeepney ang kahirapan sa pamumuhay. Pinataas din ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inaasahang target ng inflation rate hanggang sa taong 2023 at posibleng tataas ang presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan na gaya ng pagkain at tubig. Ibig-sabihin, magiging mas malaki ang presyur sa pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino sa hinaharap.

Ang naturang mga problema ay dulot ng isinasagawang sagupaan sa pagitan ng Ukraine at Rusya. Sa katatapos na ikalimang round ng talastasang pangkapayapaan ng dalawang panig na idinaos nitong Marso 29, 2022 sa Istanbul, Turkey, kapwang positibo ang Rusya at Ukraine sa mga napag-usapan sa talastasan. Pero malayo ito pa rin sa tunay na kapayapaan.

Sa katotohanan, kung hindi ipagkakaloob ng Amerika ang maraming sandata sa Ukraine, at hindi susuportahan ng Amerika ang Ukraine, hindi tatagal nang mabahang panahon ang sagupaang ito.

Op-Ed: Amerika, pangunahing puwersa sa pag-udyok ng sagupaan ng mga rehiyon_fororder_Amerikasandata1

Bukod dito, kung hindi pasusulungin ng Amerika ang ekspansyon pasilangan ng Unyong Europeo at NATO para ipataw ang presyur sa espasyong estratehiko at pambansang katiwasayan ng Rusya, hindi isasagawa ng Rusya ang "special military operation" laban sa Ukraine. Sa araw ng talastasang pangkapayapaan sa Turkey, pinanguluhan naman ni Pangulong Joe Biden ang phone meeting sa mga lider ng bansang EU at nagpahayag na patuloy na ipagkakaloob ang mga sandata sa Ukraine. Sa madaling salita, ang sandata ay hindi kayang magdulot ng kapayapaan.

Ang Amerika ay pinakamalakas na bansa sa larangang ekonomiya at militar, pero madalas na inuudyukan ng bansnag ito ang mga sagupaan sa iba’t ibang rehiyon ng buong daigdig para lamang sa sariling interes.

Op-Ed: Amerika, pangunahing puwersa sa pag-udyok ng sagupaan ng mga rehiyon_fororder_Amerikasandata

Kaugnay ng kasalukuyang krisis ng Ukraine, bilang kaalyansa ng Amerika, isinagawa ng EU ang sangsyon sa Rusya. Samantala, kinakaharap ng EU ang malaking presyur at kapinsalaan na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng naturang krisis. Bukod dito, kinakaharap din ng mga bansang EU ang presyur ng Rusya hinggil sa pagbabayad ng natural gas sa Russian Rubles batay sa kautusan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

Pero bilang tugon sa ganoong problema na kinakaharap ng EU, ipinangako lamang ng Amerika ang pagkakaloob ng 15 bilyong metrong kubikong liquefied natural gas at hindi ito libre.

Ang naturang pangako ay hindi kayang lutasin ang kasalukuyang kahirapan sa EU. Pero para sa Amerika, ito’y nakakatulong sa pagpasok ng Amerika sa pamilihan ng enerhiya ng Europa. Kung papaanong mapayapang malulutas ang krisis ng Ukraine, ang sagot ng Amerika ay walang iba, kundi ang pagkakaloob ng mas maraming sandata sa Ukraine. Sa pamamagitan ng krisis ng Ukraine, maaaring pahinain ng Amerika kapuwa ang Rusya at EU. Para lamang ito panatilihin ang hegemonismo ng Amerika sa buong daigdig.

Op-Ed: Amerika, pangunahing puwersa sa pag-udyok ng sagupaan ng mga rehiyon_fororder_2017AMerikaSyria

Laging inilunsad ng Amerika ang mga aksyong miltar sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig at hindi kailanman ikinabahala ang aktuwal na resulta nito. Halimbawa sa Afghanistan, ang mahigit 10 taong aksyong militar ng Amerika sa bansang ito ay hindi naging kalutasan sa isyu ng terorismo, pero iniwan ang isang gumuhong bansa. Bukod sa Afghanistan, isinagawa ng Amerika ang parehong aksyon sa mga bansa na gaya ng Iraq at Syria.

Op-Ed: Amerika, pangunahing puwersa sa pag-udyok ng sagupaan ng mga rehiyon_fororder_bell2.JPG

Op-Ed: Amerika, pangunahing puwersa sa pag-udyok ng sagupaan ng mga rehiyon_fororder_bell1.JPG

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mahalagang kaalyansa ng Amerika sa Asya. Pero hindi puwede mabura at di ring dapat limutin ang kasasayan ng Pilipinas bilang kolonya ng Amerika. Sa pananakop ng Amerika sa Pilipinas, pinaslang ng tropa ng Amerika ang maraming mamamayang Pilipino at mga rebolusyonarto na nagpupunyagi para sa pagsasarili at pag-unlad ng Pilipinas.

Noong 2018, ibinalik ng Amerika sa Pilipinas ang Balangiga Church Bells na naging “war souvenir” ng massacre ng tropang Amerika noong 1901 sa Eastern Samar. Ito’ y isang simbolo ng pagpapakita ng Amerika ng kabaitan sa Pilipinas.

 

Tanong, ano ba magandang bunga ng alyansang militar ng Pilipinas at Amerika? Noong 2020, itinakas palabas ng Pilipinas si Joseph Scott Pemberton, isang sundalong Amerikano na pumatay kay Jennifer Laude, isang trans lady noong 2014 sa Olongapo. Nawalan si Pemberton ng kalayaan ng 6 na taon, pero nawala kay Laude ang kanyang buhay. Ito ang esensya ng alyansang militar ng Pilipinas at Amerika.

Sulat: Ernest

Pulido: Mac/Jade

 

Please select the login method