Inihandog Miyerkules, Marso 23, 2022 ng tatlong taikonaut na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping at Ye Guangfu ang ika-2 episode ng “Klase sa Tiangong,” mula sa Tiangong Space Station ng Tsina
Sa nasabing halos 45 minutong klase, itinanghal ng tatlong taikonaut na Tsino ang mga eksperimentong gaya ng crystallization ng saturated liquid, liquid bridge at water-oil separation.
Idinispley rin nila ang pagkakaiba ng pagbato ng bagay sa kondisyon ng zero-gravity.
Bukod dito, isinalaysay nila ang hinggil sa trabaho’t pamumuhay sa kalawakan.
Samantala, ang pangunahing ground classroom ay nasa China Science and Technology Museum, at mayroon pang dalawang classroom sa Lhasa ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet at Urumqi ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang, Tsina.
Sa pamamagitan ng video call, isinagawa ang interactive dialogue sa pagitan ng mga taikonaut at mga guro’t estudyante sa ground classroom.
Inilunsad kamakailan ng Tsina ang space science education brand na "Tiangong Class," para palaganapin ang mga kaalaman ukol sa kalawakan at space station ng Tsina.
Layon ng naturang proyekto na pataasin ang kaalaman ng mga kabtaan hinggil sa konstruksyon ng space station ng Tsina, operasyon, at progreso ng misyon ng manned space flight.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tatlong astronaut na Tsino, bumalik sa Mundo mula sa space station ng bansa
CMG Komentaryo: Istasyong pangkalawakan ng Tsina, kapaki-pakinabang sa sangkatauhan
Kauna-unahang spacewalk ng mga taikonaut ng Shenzhou-13, matagumpay na naisagawa
Babaeng astronaut ng Tsina, nagpaabot ng pagbati sa International Women’s Day mula sa kalawakan