Mga pangulo ng Tsina at Mauritius, nagpalitan ng pagbati sa 50-taong relasyong diplomatiko

2022-04-16 18:00:08  CMG
Share with:

Nagpadala kahapon, Abril 15, 2022, ng mensaheng pambati sa isa't isa, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Prithvirajsing Roopun ng Mauritius, sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Binigyan ng dalawang lider ng mataas na pagtasa ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Mauritius nitong 50 taong nakalipas, pinalakas na pagkakaibigan at mabungang pagtutulungan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din nila ang kahandaang ibayo pang palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Mauritius, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at itaguyod ang komong pag-unlad, para sa benepisyo ng mga mamamayan ng kapwa bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos