Xi Jinping, bumati sa pagkahalal ni Aleksandar Vucic bilang Pangulo ng Serbia

2022-04-06 16:24:46  CMG
Share with:

Xi Jinping, bumati sa pagkahalal ni Aleksandar Vucic bilang Pangulo ng Serbia_fororder_20220406Serbia

 

Isang mensahe ang ipinadala nitong Martes, Abril 5, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Aleksandar Vucic bilang pagbati sa kanyang pagkahalal bilang Pangulo ng Serbia.

 

Tinukoy ni Xi na lubos na mahalaga ang ugnayang Sino-Serbiano, at personal niyang pinahahalagahan ang pakikipagkaibigan at working relationship kay Pangulong Vucic.

 

Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Vucic para pahigpitin ang estratehikong pag-uugnayan ng dalawang bansa, patatagin ang pagtitiwalaang pulitikal at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan sa iba’t-ibang larangan.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method