Inilabas Miyerkules, Abril 20, 2022 ng Civil Aviation Administration ng Tsina ang inisyal na ulat hinggil sa pagbagsak ng Flight MU5735 ng China Eastern Airlines, pero ayon dito, hindi pa tiyak ang sanhi ng sakuna.
Anang ulat, bumagsak ang nasabing eroplano sa bulubunduking lugar ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina alas-14:21 ng Marso 21, 2022 at nasawi ang lahat ng 123 pasahero at 9 na tripulante nito.
Natuklasan na ang dalawang black box na kinabibilangan ng isang cockpit voice recorder at isang flight data tracker, at malubhang nasira ang mga ito sa pagbagsak.
Sa kasalukuyan, sumusulong ang restorasyon at pag-aanalisa ng mga datos sa dalawang black box.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pangulong Tsino, nangulo sa pulong hinggil sa pangkagipitang pagtugon sa pagkabagsak ng eroplano
Pagluluksa para sa mga nasawi sa pagbagsak ng Flight MU5735, idinaos sa pook ng sakuna
132 kataong lulan ng bumagsak na China Eastern Airlines Flight MU5735, nasawi - pamahalaang Tsino
Ikalawang black box ng bumagsak na Flight MU5735 ng China Eastern Airlines, natuklasan na