Nagpulong nitong Huwebes, Marso 31, 2022 ang Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para pakinggan ang ulat hinggil sa pangkagipitang pagtugon sa sakuna ng pagbagsak ng flight MU 5735 ng China Eastern Airlines.
Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.
Ipinagdiinan sa pulong ng Pirmihang Komisyon ang kahalagahan ng pagpapauna ng buhay ng mga mamamayan, at maayos na paghawak sa situwasyon.
Anito, dapat pag-ibayuhin ang pagsisikap, upang bigyang-dignidad ang mga nasawi, at ipaabot ang pakikidalamhati sa kani-kanilang mga kapamilya.
May panawagan ding isagawa ang siyentipiko’t maayos na imbestigasyon sa nasabing insidente, para hanapin ang sanhi at esensya ng sakuna.
Diin ng komite, dapat isapubliko ang lahat ng kaukulang impormasyon, sa pamamagitan ng napapanahon, wasto, bukas at maliwang na paraan.
Bumagsak Marso 21, 2022 ang flight MU 5735 habang lumilipad mula Lunsod Kunming, Lalawigang Yunnan papunta sa Lunsod Guangzhou, Lalawigang Guangdong.
Lulan nito ang 123 pasahero at 9 na tripulante. Nasawi ang lahat ng mga pasahero.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Pagbagsak ng MU5735: patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas
Ikalawang black box ng bumagsak na Flight MU5735 ng China Eastern Airlines, natuklasan na
132 kataong lulan ng bumagsak na China Eastern Airlines Flight MU5735, nasawi - pamahalaang Tsino
Gawain ng paghahanap sa pinagbagsakan ng Flight MU5735, patuloy