Unang diyalogo sa pagitan ng mga FM ng Afghanistan at mga kapitbansa, idinaos

2022-04-01 16:18:13  CMG
Share with:

Unang diyalogo sa pagitan ng mga FM ng Afghanistan at mga kapitbansa, idinaos_fororder_20220401WangYiAfghanistan

Idinaos nitong Huwebes, Marso 31, 2022 sa lunsod ng Tunxi ng lalawiang Anhui ang unang diyalogo sa pagitan ng mga Ministrong Panlabas ng Afghanistan at mga kapitbansa.

Pinanguluhan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang diyalogong ito.

Sinabi ni Wang na umaasa ang mga kapitbansa ng Afghanistan na maisasakatuparan ang katatagan, kapayapaan at kasaganaan sa bansang ito.

Inilahad ni Wang ang kalagayan ng ika-3 pulong ng mga FM ng mga kapitbansa ng Afghanistan. Binigyang-diin ni Wang na dapat igiit ng Afghanistan at mga kapitbansa nito ang kooperasyon, pagbubukas, at pagkakapantay-pantay.

Nanawagan si Wang sa komunidad ng daigdig na patuloy na tulungan ang Afghanistan para patatagin ang kalagayan ng bansang ito, mabisang bigyang-dagok ang terorismo at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayang Afghani.

Ipinahayag ni Amir Khan Muttaqi, acting Foreign Minister ng Afghan Interim Government, na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang mga pagkabahala ng iba’t ibang panig. Sinabi pa niyang buong sikap na pinasusulong ng Afghanistan ang kapayapaan at kooperasyon sa mga kapitbansa.

Sinabi pa ni Murraqi na ang kasalukuyang kahirapan ng kanyang bnasa ay iniwan ng tropang Amerika. Hinimok niya ang Amerika na alsin ang sangsyon sa Afghanistan sa lalong madaling panahon.

Umaasa aniya siyang ipagkakaloob ng komunidad ng daigdig ang mga tulong at suporta sa Afghanistan.

Hinangaan ng mga kalahok na Ministrong Panlabas at kinatawan ang pagtatatag ng Tsina ng plataporma para sa diyalogo sa pagitan ng Afghanistan at mga kapitbansa nito. Ipinahayag nila na ang diyalogong ito ay nagpapalalim ng paguunawaan sa pagitan Afghanistan at mga kapitbansa at pagkaalam ng mga bansa sa tunay na kalagayan ng Afghanistan.

Ipinaliwanag ng mga kalahok na Ministrong Panlabas at Kinatawan ang kani-kanilang paninindigan sa isyu ng Afghanistan. Iniharap din nila ang mga mungkahi sa Afghanistan.

Sinang-ayunan ng iba’t ibang kalahok na panig na patuloy na idaos ang diyalogo sa pagitan ng Afghanistan at mga kapitbansa.

Bukod sa Tsina at Afghanistan, lumahok sa diyalogong ito ang mga Ministrong Panlabas at kinatawan ng Pakistan, Iran, Rusya, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan. Dumalo rin sa diyalogong ito sina Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Qatar, at Retno Lestari Priansari Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia, bilang mahalagang panauhin.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

 

Please select the login method