Tsina sa Amerika: tumpak na pakitunguhan at resolbahin ang sariling problema sa sistema at karapatang pantao

2022-04-27 11:58:59  CMG
Share with:

Kaugnay ng madalas-nagaganap na karahasang may kinalaman sa baril sa Amerika, tinukoy nitong Lunes, Abril 26, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat tumpak na pakitunguhan at resolbahin ng Amerika ang sariling malubhang kamalian at kakulangan sa sistema at problema sa karapatang pantao, at hayaan ang mga mamamayang Amerikano na magtamasa ng kalayaan sa takot mula sa karahasang may kinalaman sa baril.

 

Sunud-sunod na naganap kamakailan sa Amerika ang mga karahasang may kinalaman sa baril na nagdulot ng maraming kasuwalti.

 

Ipinalalagay ng American media na ito ay nagpapakitang kaunti ang ginagawa ng pamahalaang Amerikano sa aspekto ng pagpapatupad ng pangako sa pagkontrol sa baril.

 

Tungkol dito, sinabi ni Wang na noong 2020, 45,222 katao sa Amerika ang nasawi sa mga insidenteng may kinalaman sa baril, at ito ay lumaki ng 43% kumpara noong 2010.

 

Ayon sa datos ng Gun Violence Archive website ng Amerika, hanggang Abril 22, 13,115 ang nasawi sa ganitong uri ng karahasan sa Amerika sa kasalukuyang taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio