Pinanguluhan nitong Martes, Abril 26, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Ika-11 pulong ng Central Committee for Financial and Economic Affairs (CCFEA) ng bansa.
Sa ilalim ng layuning pag-aaral sa isyu ng komprehensibong pagpapalakas ng pagtatayo ng imprastruktura, sinabi ni Xi na ito ay mahalagang poste ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan.
Binigyang-diin niyang dapat pabutihin ang mga paglalatag, estruktura, pungsyon at modelo ng imprastruktura upang itatag ang modernong sistema ng imprastruktura at matibay na pundasyon para sa modernong sosyalistang bansa.
Sinuri din sa pulong ang mga gawain ng pagpapatupad ng mga patakaran at desisyon ng CCFEA sapul noong 2017.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio