5 taong pagkabilanggo, hatol kay Aung San Suu Kyi

2022-04-28 15:59:40  CMG
Share with:

 

Kinumpirma nitong Miyerkules, Abri 27, 2022 ni Zaw Min Tun, Tagapagsalita ng State Administration Council (SAC) ng Myanmar, na 5 taong pagkabilanggo ang ibinigay na hatol ng isang hukuman kay Aung San Suu Kyi dahil sa korupsyon.

 

Dahil dito, tumaas sa 11 taon ang kabuuang pahanon ng kanyang pagkabilanggo.

 

Inamin ni Aung San Suu Kyi na tumanggap siya ng ginto at perang  nagkakahalaga ng $USD600,000 mula kay Yangon Chief Minister Phyo Min Thein.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio