Panig militar ng Myanmar, pahahabain ang panahon ng tigil-putukan sa mga armadong grupo

2022-03-01 18:18:27  CMG
Share with:

 

Inilabas Lunes, Pebrero 28, 2022 ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar ang pahayag na nagsasabing mula unang araw ng Marso hanggang huling araw ng taong 2022, patuloy na ipatutupad ang tigil-putukan sa mga armadong grupo sa bansa.

Anang pahayag, ang tigil-putukan ay naglalayong isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa at mabisang harapin ang pandemiya ng COVID-19.

Lumitaw ang ilampung armadong grupo sa mga iba’t ibang lugar ng Myanmar sapul nang magsarili ang bansang ito noong 1948. Hanggang Pebrero ng taong 2018, isinakatuparan ng pamahalaan ng Myanmar ang tigil-putukan sa 10 grupo sa mga ito.

Salin: Ernest

Pulido: Ernest

Please select the login method