Ilalabas Biyernes, Abril 1, 2022 sa Qiushi Journal, isang flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na nagbibigay-diing ang isyung may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka ay unang priyoridad para sa CPC.
Anang artikulo, dapat himukin ang buong partido at buong lipunan na pasulungin ang pagpapasigla ng kanayunan.
Anito, ang pinakamahirap at pinakamalaking tungkulin ng pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino ay nakakasalalay pa rin sa kanayunan, at ang pagpapatatag ng sektor ng agrikultura ay “ballast” o nagbibigay katatagan sa mabilis na nagbabagong mundo.
Diin ng artikulo, dapat hawakan nang mahigpit ang inisyatiba para sa paggarantiya sa seguridad ng pagkaing-butil sa Tsina, ipatupad ang pinakamahigpit na sistema ng pangangalaga sa bukirin, at pabilisin ang pagtamo ng mga bagong tagumpay sa mga nukleo’t masusing teknolohiyang agrikultural.
Tinukoy ng artikulo na dapat palakasin ang komprehensibong pamumuno ng partido sa mga gawing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka.
Hinimok nito ang mga komite ng partido sa iba’t ibang antas na ibayo pang magpunyagi para sa pagpapasigla ng kanayunan, at pasiglahin ang sigasig, inisyatiba at pagkamalikhain ng mga magsasaka sa pagtatatag ng kaaya-ayang lupang tinubuan.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tsina, patuloy pa ring patatatagin ang saklaw ng pagtatanim ng pagkaing-butil sa 2022
Taunang central rural work conference ng Tsina, idinaos sa Beijing
Pagpapasulong sa ecological advancement, ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping
Pangulong Tsino, nangulo sa pulong hinggil sa pangkagipitang pagtugon sa pagkabagsak ng eroplano