Tugon ng MFA ng Tsina sa pagdalo ni Zelenskyy sa G20: Dapat iwasan ng G20 ang pagsasapulitika ng pandaigdigang kooperasyong pinansyal

2022-04-29 15:04:40  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine na inanyayahan siyang dumalo sa G20 Summit.

 

Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Abril 28, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat pag-ukulan ng G20 ng pokus ang pangunahing misyon nito, at iwasan ang pagsasapulitika at pagiging sandata ng pandaigdigang kooperasyong ekonomiko at pinansyal.

 

Saad ni Wang, ang G20 ay pangunahing porum ng pandaigdigang kooperasyong ekonomiko at pinansyal. Sa kasalukuyan, nahaharap ang kalagayang pandaigdig sa maraming di-tiyak at di-matatag na elemento, at kailangang-kailangan ang pagbuklud-buklod ng komunidad ng daigdig para harapin ang mga hamon.

 

Aniya, dapat igiit ng iba’t ibang bansa ang diyalogo at kooperasyon, sa halip ng konprontasyon at pagwatak-watak, at magkasamang magpunyagi para mapangalagaan ang katatagan ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac