Tsina, nanawagang tumpak at kompletong unawain at ipatupad ng lubos ang UNCLOS

2022-04-30 15:04:06  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Biyernes, Abril 29, 2022 ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay hindi nagsisilbing kabuuan ng mga modernong batas na pandagat. Sinabi pa niyang dapat mas tumpak, mahinahon at kompletong unawain at gamitin ang UNCLOS.


Nang araw ring iyon, idinaos ng UN ang mataas na pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakalagda ng UNCLOS.


Sinabi ni Dai na ang UNCLOS ay mahalagang bahagi ng mordernong batas na pandagat. Dagdag pa niya, ang mga normang pandaigdaig at tadhana na isinapubliko ng mga pandaigdigang organisasyong may kinalaman sa dagat ay mahalagang batas at regulasyon sa mga gawain ng pangangasiwa sa dagat ng buong daigdig.


Sinabi pa niya, ipinaliwanag din ng UNCLOS na kaugnay ng mga suliranin na hindi saklaw ng mga tadhana ng UNCLOS, dapat patuloy na sundin ang mga regular na tadhana at prinsipyo ng batas na pandaigdig.


Ipinahayg ni Dai na nakahanda ang Tsina na igalang ang kabuuan at integridad ng UNCLOS at aktibong lumahok sa mga gawain ng pangangasiwa sa dagat sa ilalim ng balangkas ng UN at UNCLOS.


Salin: Ernest

Pulido: Mac