Sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos Abril 29, 2022, hiniling ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, na pag-ibayuhin ang patnubay at pangangasiwa, para sa malusog na pag-unlad, alinsunod sa batas, ng puhunan sa Tsina.
Layon nito aniyang pasulungin ang bagong modelo ng kabuhayan na nagtatampok sa pagbubukas sa labas sa mas mataas na antas.
Sinabi ni Xi, na ang puhunan ay likas na naghahangad ng tubo, at ang di-maayos na ekspansyon ng puhunan ay magdudulot ng di-masusukat na pinsala sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Kaya aniyang kailangang pabutihin ang superbisyon sa pamilihan, upang lumikha ng pantay-pantay na kompetisyon para sa iba’t ibang uri ng puhunan sa merkado ng Tsina.
Samantala, ipinahayag din ni Xi ang pagpapahalaga sa mga positibong papel ng puhunan. Ang puhunan ay mahalagang elemento para pasulungin ang mga lakas produktibo ng lipunan, dagdag niya.
Editor: Liu Kai