Nitong Sabado, Marso 12, 2022 ay ang 100-araw ng pagsasaoperasyon ng China-Laos Railway sa pagitan ng Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina, at Vientiane ng Laos.
Ayon sa pinakahuling datos, lumampas na sa 1.2 milyong tonelada ang kabuuang bolyum ng kalakal na naihatid sapul nang isaoperasyon ang naturang daambakal.
Kabilang dito, mahigit 280,000 tonelada ang kabuuang transnasyonal na kalakal, at lampas naman sa 1.8 milyong person-time ang kabuuang bilang ng mga pasahero.
Dahil sa ligtas, berde, mabisa at maginhawang kapaligiran ng pagpapatakbo ng China-Laos Railway, ito ay nagsilbing unang pagpili sa pamamasyal ng mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio