Ngayong araw, Mayo 23, 2022 ay ika-71 anibersaryo ng mapayapang pagpapalaya ng Tibet.
Noong 1951, bilang pagdiriwang sa mapayapang liberasyon ng Tibet, idinaos ng mga mamamayang Tibetano at People’s Liberation Army (PLA) ang selebrasyon sa harapan ng Potala Palace sa Lhasa.
Mula sinaunang panahon, ang Tibet ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.
Nitong ilang daang taong nakalipas, malaking ambag ang ibinibigay ng mga kababayang Tibetano sa paggagalugad at pagpapa-unlad ng Tibet.
Ngunit matapos ang Digmaang Opyo sa pagitan ng Tsina at Birtanya, dahil sa pagsalakay ng mga imperyalistang puwersa sa Tibet at magulong pangangasiwa, nagkaroon ng dibisyong panloob ang lahing Tibetano.
Noong 1949, natamo ng rebolusyong Tsino ang tagumpay.
Liban sa Tibet at Taiwan, napalaya ang buong Tsina.
Noong Mayo 24, 1951, inihandog ni Mao Zedong, dating Pangulo at Tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa paglagda ng “Kasunduan Tungkol sa Kalutasan ng Mapayapang Liberasyon ng Tibet.”
Upang mapalaya rin ang mga mamamayang Tibetano, bumalik sa inangbayan at magkakasamang paunlarin ang pulitika, kabuhayan, kultura, edukasyon at iba pang usapin, inabisuhan ng pamahalaang sentral ang lokal na pamahalaan ng Tibet na magpapadala ito ng kinatawan sa Beijing para magkaroon ng talastasan at lagdaan ang kasunduan tungkol sa mapayapang pagpapalaya ng Tibet.
Noong Mayo 23, 1951, nilagdaan ng pamahalaang sentral at lokal na pamahalaan ng Tibet ang “Kasunduan Tungkol sa Kalutasan ng Mapayapang Liberasyon ng Tibet.” Lumalagda sa kasunduan ang mga kinatawan ng pamahalaang sentral.
Noong Mayo 23, 1951, nilagdaan sa Beijing ng pamahalaang sentral at lokal na pamahalaan ng Tibet ang “Kasunduan Tungkol sa Kalutasan ng Mapayapang Liberasyon ng Tibet,” bagay na sumagisag sa mapayapang liberasyon ng Tibet at nakapaglatag ng pundasyon para sa pagsasagawa ng awtonomiya ng rehiyong minoriya sa Tibet.
Monumento ng mapayapang liberasyon ng Tibet sa Potala Palace.
Ang mapayapang liberasyon ng Tibet ay malaking tagumpay sa usapin ng liberasyon ng mga mamamayang Tsino at usapin ng unipikasyon ng bansa.
Noong Mayo 23, 1951, nilagdaan ng pamahalaang sentral at lokal na pamahalaan ng Tibet ang “Kasunduan Tungkol sa Kalutasan ng Mapayapang Liberasyon ng Tibet.” Lumalagda sa kasunduan ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Tibet.
Ito rin ay historical milestone para sa Tibet.
Nitong 71 taong nakalipas sapul nang nasabing mapayapang pagpapalaya, napakalaking pagbabago ang nagaganap.
Potala Palace sa Lhasa, Tibet.
Sa Potala Palace, nagdiriwang ang mga mamamayan sa malayang liberasyon ng Tibet.
Kuha noong Disyembre 29, 2021, makikitang sumasayaw ang mga bata sa lunsod Lhasa, Tibet.
Binalangkas ng pamahalaang sentral ang maraming espesyal na preperensyal na patakaran sa mga larangang tulad ng buwis, pinansya, imprastruktura, pag-unlad ng industriya, edukasyon, kalusugan, pangangalaga sa kultura, at sibilisasyong ekolohikal.
Tanawin ng lunsod Lhasa, Tibet.
Nagtatanghal ng sayaw na Tibetano ang mga mamamayan sa Naqu, Tibet noong Agosto 22, 2021.
Bukod pa riyan, unti-unti ring pinalalaki ang laang-gugulin sa Tibet, at magkakasunod na isinasa-ayos ang maraming malalaking proyektong may kaugnayan sa pangmalayuang kaunlaran at pamumuhay ng mga mamamayan sa Tibet.
Jokhang Temple sa Lhasa, Tibet noong Agosto 15, 2017.
Nakunang nakangiti habang nasa Spring ploughing ceremony ang isang taga-nayon sa nayong Xierong, bayang Qushui ng lunsod Lhasa, Tibet noong Marso 15, 2022.
Ang mga ito ay malaking nakakapagpabuti sa kondisyon ng produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan sa Tibet, at walang patid na nagpapalakas sa kanilang kaligayahan at kaligtasan.
Aerial photo ng lunsod Changdu, Tibet.
Sa bayang Bomi, lunsod Linzhi ng Tibet.
Nakangiting mukha ng isang batang Tibetano.
Sa ilalim ng matatag na pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at malaking pagpupunyagi ng mga mamamayang Tsino, tiyak na magiging mas maganda ang kinabukasan ng Tibet, at tiyak ding magiging mas maligaya at mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Tibet.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Photo Courtesy: VCG