7 katao, patay sa sunog ng isang ferry sa dagat malapit sa Quezon

2022-05-23 14:54:38  CMG
Share with:

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasunog Lunes ng umaga, Mayo 23, 2022 sa rehiyong pandagat sa paligid ng Lalawigang Quezon ang isang ferry na may lulang 124 pasahero at 10 marinero.

 

Pito (7) na katao ang nasawi, at apat (4) na iba pa ang nasugatan.

 


Sinabi ni Commodore Armand Balilo, Tagapagsalita ng PCG, na sumusulong pa rin ang pagliligtas.

 

Aniya, 120 katao ang nailigtas, at agad namang isinugod sa ospital ang 3 malubhang nasugatan.

 

Nagsimula na rin ang imbestigasyon sa sanhi ng sakuna.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio