Nagtagpo nitong Lunes, Mayo 23, 2022 sa lunsod ng Guangzhou ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Michelle Bachelet, High Commissioner for Human Rights ng United Nations (UN).
Winewelkam ni Wang ang kauna-unahang pagbisita ni Bachelet sa Tsina.
Ipinahayag ni Wang na palagiang inilalagay ng Tsina ang karapatan ng pagkamit ng mga kinakailangan sa pamumuhay at pag-unlad sa unang posisyon. Sinabi ni Wang na iginigiit din ng Tsina ang paggarantiya sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino, lalo na ng mga pambansang minoriya.
Sinabi pa ni Wang na nakahanda ang Tsina na magbigay ng ambag para sa mahalagang usapin ng buong sangkatauhan at pag-unlad ng karapatang pantao ng buong daigdig.
Iminungkahi ni Wang na sa pag-unlad ng usaping pandaigdig sa karapatang pantao ay dapat igiit ang mga prinsipyo na kinabibilangan ng paggalang sa isa’t isa sa halip ng pagiging pulitikal ng karapatang pantao, paggigiit ng katarungan at pagkakapantay-pantay sa halip ng double standard, paggigiit ng pagbubukas sa halip ng komprontasyon at paggalang sa katotohanan at sariling kalagayan ng bansa.
Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na isagawa ang konstruktibong kooperasyon sa Tanggapan ng High Commissioner for Human Rights (OHCHR), sa pundasyon ng paggalang sa isa’t isa at pagkakapantay-pantay.
Bumati si Bachelet sa mga natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, at pangangalaga sa karapatang pantao.
Nagbigay din siya ng positibong pagtasa sa mga ambag ng Tsina sa mga larangan ng pag-unlad ng karapatang pantao sa buong daigdig na gaya ng pagkatig sa multilateralismo, sustenableng pag-unlad, pagbabawas ng mga kahirapan, pagbabago ng klima at pangangalaga sa kapaligiran.
Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagbisita, mapapalalim ang paguunawaan at pagtitiwalaan ng OHCHR at Tsina para magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon at pagpapasulong ng pag-unlad ng usaping pandaigdig sa karapatang pantao.
Salin: Ernest
Pulido: Mac