Mga mamamayang Tsino, nakahandang palakasin ang pakikipagpalitan sa mga mamamayang Amerikano—Xi Jinping

2022-05-25 15:30:50  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang sagot kay Ginang Sarah Lande, isang kaibigang Amerikano sa Estadong Iowa.

 

Tinukoy ni Xi na ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ay hindi lamang napakamahalagang kayamanan para sa dalawang bansa, kundi nagkakaloob din ng importanteng pundasyon para sa pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Nakahanda aniya ang mga mamamayang Tsino, kasama ng mga kaibigang Amerikano, na palakasin ang mapagkaibigang pagpapalitan, pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at magkasamang payamanin ang kabiyayahan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Hinimok din niya si Ginang Lande at ang mga kaibigan ng Estadong Iowa na gawin ang bagong ambag para sa pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino’t Amerikano.

 

Noong 1985, dumalaw sa Muscatine, Iowa si Xi Jinping, at nagbigay-tulong si Ginang Lande sa koordinasyon ng naturang biyahe.


Xi Jinping (3rd R, front), then Chinese vice president, joins dozens of Americans for tea at a house owned by his old friend Sarah Lande (3rd, L) in Muscatine, Iowa, U.S., February 15, 2012. /Xinhua

 

Sa kanyang pagdalaw sa Amerika noong 2012, muling nakipagtagpo si Xi sa mga kaibigang Amerikano sa bahay ni Lande.

 

Ipinadala kamakailan ni Lande ang liham kay Xi, bilang pasasalamat sa pagkakapatiran ni Xi sa mga kaibigang Amerikano.

 

Buong pananabik na inaasahan niyang patuloy na mapapalalim ng dalawang bansa ang people-to-people exchanges, at mapapahigpit ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac