Xi Jinping, nakipagtagpo sa UN human rights chief

2022-05-25 14:48:35  CMG
Share with:

Nakipagtagpo via video link ngayong araw, Mayo 25, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Michelle Bachelet, High Commissioner for Human Rights ng United Nations (UNHRC).

 

Inilahad ni Xi ang paninindigan at prinsipyo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pamahalaang Sentral sa komprehensibong pangangalaga at paggarantiya ng karapatang pantao.

 

Ipinahayag ni Xi na ang nukleo ng isyu ng karapatang pantao ng isang bansa ay pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan nito at pagpapabuti ng kanilang pamumuhay.

 

Sinabi pa ni Xi na dapat igalang ang sariling landas ng iba’t ibang bansa sa pag-unlad ng karapatang pantao.

Idiniin ni Xi na hindi dapat maging pulitikal ang isyu ng karapatang pantao at isagawa ang double standard sa isyung ito. Dagdag pa niya, tinututulan ng Tsina ang pakikialam sa suliraning panloob ng ibang mga bansa sa gamit ang karapatang pantao bilang dahilan.

 

Tinukoy ni Xi na nakahanda ang Tsina na patuloy na katigan ang aktibong pagsisikap ng UN para pasulungin ang usaping pandaigdig sa karapatang pantao.

 

Ipinahayag naman ni Bachelet na sa kanyang pananatili sa Tsina, isasagawa ang malawak na pagkontak at direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang Tsino at mga tauhan ng iba’t ibang sektor.

 

Hinangaan niya ang pagsisikap at natamong bunga ng Tsina sa mga larangan na gaya ng pagbabawas ng kahirapan, pangangalaga sa karapatang pantao at pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan.

 

Nakahanda aniya ang Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na pahigpitin ang pag-uugnayan sa panig Tsino para magkasamang pasulungin ang usaping pandaigdig sa karapatang pantao.


Salin: Ernest

Pulido: Mac