John Lee, ginawaran ng Letter of Appointment ng Konseho ng Estado ng Tsina bilang ika-6 na punong ehekutibo ng Hong Kong

2022-05-31 15:12:32  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kay John Lee, bagong halal at bagong hirang na ika-6 na Punong Ehekutibo ng Epsesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) nitong Lunes, Mayo 30, 2022, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa pagkahalal at pagkakatalaga ni Lee.

 


Tinukoy niyang ang bagong sistemang elektoral ay angkop sa prinsipyong “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” aktuwal na kalagayan ng Hong Kong at pangangailangan ng pag-unlad ng Hong Kong, kaya dapat lubos na pahalagahan at igiit ito.

 

Diin ni Xi, napakatibay at hinding hindi magbabago ang determinasyon ng pamahalaang sentral sa komprehensibo’t wastong pagpapatupad ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

 

Nang araw ring iyon, nakipagtagpo naman si Premyer Li Keqiang ng bansa, para gawaran ng Letter of Appointment ng Konseho ng Estado si John Lee.

 


Inihayag naman ni John Lee na komprehensibo’t wasto niyang ipapatupad ang prinsipyong “Isang Bansa, Dalawang Sistema, puspusang magpupunyagi para sa kaunlaran ng Hong Kong, kaligayahan ng mga mamamayan, at pagtatatag ng Hong Kong na may pangmatagalang kasaganaan at katatagan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac